f PRC Issued ID’s at exam ratings ng March 2018 LET passers maibibigay na KIDAPAWAN CITY | City of Kidapawan

PRC Issued ID’s at exam ratings ng March 2018 LET passers maibibigay na KIDAPAWAN CITY

You are here: Home


NEWS | 2018/09/26 | LKRO


thumb image

MAIBIBIGAY na rin sa wakas ang bagong PRC Issued Identification Cards at Exam Ratings ng mga LET Passers na kumuha ng exams sa lungsod noong nakalipas na Marso 2018.
Ibibigay na ng Professional Regulations Commission o PRC ang bagong mga ID’s at exam rating sa Setyembre 28-29, 2018 sa mismong Mobile Services Office nito sa City Overland Terminal.
Ito ay ayon na rin kay City Overland Manager Redentor Real matapos nilang matanggap ang notice for release mula sa PRC.
Matatandaang una ng sumailalim sa Mass Oath Taking Ceremony for New Teachers ang may dalawang libong LET Passers sa Kidapawan City noong Hunyo 2018.
Maituturing na espesyal na serbisyo ang ibibgay ng PRC lalo pa at suspendido pansamantala ang pagbibigay nito ng monthly Mobile Services para sa mga professionals sa Kidapawan City at kalapit na mga lugar.
Tanging release ng PRC ID at exam rating ng mga bagong guro ang serbisyong ibibigay sa mga petsang nabanggit.
Payo ng PRC sa mga bagong guro na dalhin lamang ang kani-kanilang claim stubs para makuha ang PRC issued ID at Exam Rating.
8AM-5PM ang schedule ng PRC sa pagre-release ng mga bagong ID at exam ratings.
Kaugnay nito, tuloy na ang naka schedule na panibagong LET Exams sa Kidapawan City sa Setyembre 30, 2018.
Mahigit sa anim na libong LET examinees ang kukuha ng kanilang board exams sa limang testing venues sa Kidapawan City.(CIO/LKOasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio