f Kidapaweño Top 8 sa June 2019 Criminologist licensure exams  | City of Kidapawan

Kidapaweño Top 8 sa June 2019 Criminologist licensure exams 

You are here: Home


NEWS | 2019/07/04 | LKRO


thumb image

Kidapaweño Top 8 sa June 2019 Criminologist licensure exams
KIDAPAWAN CITY – TOP 8 ang isang Kidapaweño sa June 2019 Criminologist Licensure Exams.
Ito ay sa katauhan ni Angelo Lorenzo Andrada, BS Criminology Graduate ng Central Mindanao Colleges na nakatira sa Osmeña Drive Poblacion Kidapawan City. 
Nagpursige siya sa panahon ng kanyang review sa kabila ng kakulangan sa pera at pagkakasakit ng dengue habang naghahanda sa exam, wika pa ni Andrada.
Tumulong din sa kanyang panggastos si CMC Criminology Dean Ret P/Col Rolando Poblador dahil na rin sa kanyang ipinakitang potensyal na pumasa sa exams.
Pumasa siya sa exam na ginawa sa University of Mindanao sa Davao City noong June 9, 2019.
Nakatakda naman siyang gagawaran ng pagkilala ni City Mayor Joseph Evangelista sa July Convocation Program ng City Government bilang natatanging achiever ng lungsod ng Kidapawan.
Pinaplano na ni Andrada na pumasok at mapabilang sa Philippine National Police.
Payo niya sa mga nagpa-planong kumuha ng BS Criminology na subukan ito dahil maraming oportunidad na naghihintay kapag naipasa nila ang kanilang board exams.##(cio/lkoasay)

(Photo is from ret.P/Col Rolando Poblador fb page)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio