f SUPPLEMENTAL BUDGET PARA SA SWELDO NG MGA EMPLEYADO AT JOB ORDER WORKERS, SUPORTA SA COVID RESPONSE, INAPRUBAHAN NA NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD | City of Kidapawan

SUPPLEMENTAL BUDGET PARA SA SWELDO NG MGA EMPLEYADO AT JOB ORDER WORKERS, SUPORTA SA COVID RESPONSE, INAPRUBAHAN NA NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD

You are here: Home


NEWS | 2021/03/25 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – INAPRUBAHAN na ng Sangguniang Panlungsod ang pagpapasa ng Supplemental Budget number 2 na hiniling ni City Mayor Joseph Evangelista.

Naipasa ang nabanggit sa pamamagitan ng Special Session nitong March 24, 2021.

Iilan sa mga sakop ng SB number 2 ay ang dagdag na sahod para sa mga job order workers ng City LGU at ang dagdag pondo para sa Covid-19 response.

Pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang mga kasapi ng konseho sa pagpapasa ng Supplemental Budget dahil mas mapapalakas pa nito ang epektibong Covid response ng lungsod.

Matatandaang umabot sa sobra siyamnapung aktibong kaso ang naitala noong nakaraang dalawang buwan, subalit dahil na rin sa pagtutulungan ng health workers, medical frontliners at City Government personnel ay naibaba na lang sa anim ang aktibong kaso ng Covid-19 ang sa Kidapawan City.##(CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio