f CITY GOV’T MAY BAGO NG INGAT- YAMAN | City of Kidapawan

CITY GOV’T MAY BAGO NG INGAT- YAMAN

You are here: Home


NEWS | 2021/03/30 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – MAGLILINGKOD na bilang bagong City Treasurer ng lungsod simula araw,  March 29, 2021 si Ranulfo Japson, Administrative Officer V ng City Treasurer’s Office (CTO) bilang kapalit ng nagretiro nang si City Treasurer Elsa Palmones.

Ginawa ngayong araw ang simpleng turn-over ceremony sa naturang tanggapan kung saan ay ipinasa na ni Palmones ang lahat ng mga  responsibilidad tulad ng  mga cash and account books, accountable forms, properties and office equipment kay Japson hudyat ng pag-upo nito bilang pinuno ng opisina.

Sinaksihan naman ng mga kagawad Department of Finance Bureau of Local Government Finance Regional Office XII ang pagpapalit posisyon ng nabanggit na mga opisyal ng City Government.

Isang taon o mula March 28, 2021 hanggang March 27, 2022 manunungkulan bilang Acting City Treasurer  si Japson.

Pinasalamatan naman ni City Mayor Joseph Evangelista si Palmones sa mga magandang nagawa nito bilang Ingat Yaman ng Pamahalaang Local.

Katunayan ay nahigitan pa ng opisyal ang target nito sa usapin ng tax collection lalo na at naging hamon para sa Kidapawan City ang 2019 Earthquake at ang patuloy na pananalasa ng Covid19 pandemic.

Suportado naman ng alkalde si Japson sa panunungkulan nito##(CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio