f CESU Kidapawan pinagkalooban ng 2 bagong passenger-type | City of Kidapawan

CESU Kidapawan pinagkalooban ng 2 bagong passenger-type

You are here: Home


NEWS | 2021/06/07 | LKRO


thumb image

CESU Kidapawan pinagkalooban ng 2 bagong passenger-type MulticabKIDAPAWAN CITY (June 2, 2021) – May magagamit ng dalawang bagong mga passenger-type Multicab ang City Epidemiology Surveillance Unit o CESU Kidapawan para sa contact tracing at iba pang mahahalagang gawain.Nagkakahalaga ng P230,000 ang kada unit ng multicab na pinondohan ng City Government of Kidapawan.Ginanap ang turn over ng mga bagong sasakyan bandang alas dos ng hapon sa pangunguna ni CESU Operations Head Dr.Nadine B. Paalan. Dati ay gumagamit lamang ng lumang sasakyan at minsan naman ay umaarkila ng passenger vehicle ang CESU kaya naman malaking tulong ito aa kanila, ayon kay Dr.Paalan. Agad ding gagamitin ang mga bagong sasakyan sa operasyon ng CESU tulad ng pag deploy ng mga contact tracers at pagsundo ng mga Covid-19 patients. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio