8 HIRED ON THE SPOT, 158 SCHEDULED FOR EXAMINATION AND FINAL INTERVIEW SA KATATAPOS LAMANG NA JOB FAIR NG PESO KIDAPAWAN

You are here: Home


NEWS | 2022/07/19 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (July 19, 2022) – MAGANDANG balita ang ibinahagi ng Public Employment and Service Office o PESO kaugnay ng ginanap ng 1-day Job Fair sa Convention Center, Kidapawan City kahapon, July 18, 2022.

Walong aplikante ang agad na natanggap sa trabaho at ito ay sa mga job openings ng local partner companies.

Abot naman sa 158 ang sasailalim sa examination at final interview kung saan 134 ang local employment at 24 sa overseas o trabaho sa ibayong-dagat.

Sinabi ni PESO Kidapawan Manager Herminia C. Infanta na bahagi ito ng mandato ng kanilang tanggapan na tulungang makahanap ng angkop na trabaho ang mamamayan ng lungsod lalo na ang mga fresh graduates.

Tulad ng nagdaang mga Job Fair ay katuwang ng PESO Kidapawan ang Department of Labor and Employment o DOLE 12 at ang Department of Migrant Workers o DMW sa pagsasagawa ng aktibidad.

Pinasalamatan ni Infanta ang walong mga local partner companies na kinabibilangan ng PH Global Jet Express, Inc., Marbel Universal Trading, Inc., Alternative Network Resource Unlimited Multi-Purpose Cooperative, VXI Global Holdings, B.V., Toyota Kidapawan City, at DC Invest, Inc.

Kabilang naman sa mga overseas partner ang God’s Will International at Zontar Manpower Services, Inc.

Dinagsa naman ang naturang Job Fair ng mga job seekers mula sa Lungsod ng Kidapawan at kalapit na mga lugar kung saan umabot sa 216 ang bilang ng mga lumahok o nag-apply ng trabaho. (CIO-jscj/if)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio