Author: IAN FAMULAGAN

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (December 6, 2023)
May gusali nang magagamit ang higit tatlumpong (38) mag-aaral sa day care sa Purok Pag-asa, Barangay Balabag, matapos iturn-over sa kanila ng Lokal na Pamahalaan ang Child Development Center facility, kahapon, kasabay ng pagtatapos ng National Children’s Month Celebration.

Ayon kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, na nanguna sa paghahabilin ng pasilidad sa pamamahala ng mga opisyal sa barangay, mahalaga para sa mga bata na sa kanilang murang edad, mahikayat sila na mag-aral upang matuto kung kaya’t kailangang mabigyan ng atensyon ang edukasyon ng mga bata, lalo na yaong mga nakatira sa malalayong lugar kagaya nito, upang magkaroon sila ng maliwanag na kinabukasan pagdating ng araw.

Ang pondong ginamit sa proyekto ay nagmula sa Local Council for the Protection of Children o LCPC.

Maglalaan din ng P200,000 ang alkalde para sa pagpapapintura at pagpapalagay ng tiles sa sahig pasilidad para mas lalong kumportableng gamitin ng mga bata.

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (December 5, 2023)
Nakatuon sa Rights to Survive, Self-Development, Protection and Participation ng mga bata ang mahigit kalahating oras na State of the Childrenโ€™s Address ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa City Gymnasium, kaninang ala 1:00 ng hapon.

Ito ang siyang pinaka-highlight sa selebrasyon ng 31st National Childrenโ€™s Month sa lungsod.

Giit ng alkalde, habang nasa sinapupunan pa lamang ang isang bata ay nagsisimula na rin ang kanyang Survival Right, kung saan katuwang ng kanyang magulang ang City Government sa pamamagitan ng pag-aaruga sa kalusugan.

Ang Self-Development naman ay sa pamamagitan ng pagbibigay subsidiya at learning devices ng City Government sa mga Child Development o Day Care Centers para mapalago ang literacy at moral values ng mga bata.

Habang ang Rights to Protection ay nakatutok sa pagtitiyak na ligtas ang mga bata sa ano mang uri ng karahasan at pang-aabuso sa kanilang tahanan, paaralan, komunidad at sa social media, ayon pa sa report ni Mayor Evangelista.

Binibigyan din ng pagkakataon ang mga bata na maging aktibo bilang bahagi ng kanilang Rights to Participation sa mga programa ng pamahalaan na naglalayung paunlarin ang pamayanan sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga opinyon at desisyon sa mga usapin ng lipunan.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – ( December 5, 2023) Higit pitong daan (718) na mga rice farmers, na may palayang dalawang ektarya pababa, ang nabigyan ng cash card nung Huwebes, November 30.

Ang cash card ay magagamit para makatanggap sila ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan.

Nanguna sa distribusyon ng cash card ang taga Office of the City Agriculturist, Development Bank of the Philippines, at USSC remittance company.

Una ng tumanggap ng paunang P5,000 rice assistance ang mga magsasaka noong nakaraang buwan ng Marso, mula sa Rice Assistance Fund ng Department of Agriculture.

Ida-download ng DA ang mga susunod pang tulong para sa mga rice farmers sa pamamagitan ng cash cards na kanilang tinanggap, at mawi-withdraw sa mga ATM Machines ng DBP.

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (December 5, 2023)
Ipinapaalam ng City Treasurer’s Office (CTO) sa lahat ng mga mamamayan ng lungsod, na magbubukas sila tuwing araw ng Sabado at Linggo ngayong buwan ng Disyembre para mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa nakabayad ng kanilang buwis (business at real property) para sa taong ito.

Bukas mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon ang CTO, pati na ang mga collection offices nito sa Mega Market at Integrated Transport Terminal, sa mga sumusunod na araw:

December 9, 2023 (Sabado)
December 10, 2023 (Linggo)
December 16, 2023 ( Sabado)
December 17, 2023 (Linggo)
December 23, 2023 (Sabado)
December 30, 2023 (Sabado/Rizal Day)

Pero sa December 24 at 31 ay sarado ang CTO para mabigyan naman ng pagkakataon ang mga kawani nito, na magdiwang sa bisperas ng pasko at bagong taon, kasama ang kani-kanilang pamilya.

Maaari rin namang magbayad ng business tax sa pamamagitan ng GCash o kaya naman ay sa Linkbiz portal ng Landbank of the Philippines.

thumb image

Kidapawan City – (December 04, 2023)
Pinuri ng City Government, sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, ang anim na K9 handler, sa flag ceremony sa City Hall, kaninang umaga.

Tumanggap ng Certificate of Commendation sina Ruel Renegado, Warren Gallanas, Alfred Manso, Noli Meloren, Allan Masaglang, at Romel Canson dahil sa ipinakita nilang kagitingan sa agarang pagresponde kung kaya’t napigilan ang pagsabog ng isang hand grenade na iniwan sa isang kainan (Humprey’s Halo-Halo Dine) sa lungsod noong Nobyembre 12, 2023.

Umaasa ang alkalde na maging modelo sila sa kanilang mga kasamahan at sa komunidad, lalo na sa pagsugpo sa mga banta sa seguridad ng lungsod.

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (December 4, 2023)
Maagang aginaldo para ngayong pasko ang tatangaping cash ng higit dalawandaang (228) residente ng lungsod na benepisyaryo ng emergency employment ng Department of Labor and Employment (DOLE) at City Government, na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD).

Nitong Huwebes, November 30, isinailalim sa orientation at pinapirma ng kontrata ang mga benepisyaryong kinabibilangan ng mga miyembro ng IP Women Organizations mula sa Barangay Balabag, Perez, at Poblacion; Sto Nino Peoples Organization ng End Local Communist Armed Conflict (ELCAC); at mga magulang ng Child Laborers mula sa mga Barangay ng Nuangan, Sibawan at Manongol.

Sampung (10) araw na magtatrabaho ang mga benepisyaryo, kung saan magtatanim sila ng 2,000 na โ€˜Bayokโ€™ seedlings bilang bahagi naman ng Canopy25 program ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, gulay sa barangay at maglilinis sa mga pampublikong pasilidad at komunidad.

Pagkatapos ng kanilang trabaho sa December 11, ipoproseso na ang DTR ng mga benepisyaryo. Inaasahang bago magpasko matatanggap na nila ang kanilang emergency employment salary.

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (December 4, 2023)
24/7 na magmamatyag at magbabantay, lalo na sa mga matataong lugar katulad ng terminal, palengke, city plaza, ecopark, business establishments at simbahan, ang K9 unit ng City Government, City PNP, Task Force Kidapawan ng Army at Barangay Peacekeeping Action Teams, upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, hindi ito kayang gampanan ng mga awtoridad na sila lang, kung kaya’t hinihikayat niya ang bawat isa na maging mapagmatyag at makipagtulungan alang-alang sa ligtas na selebrasyon ng pasko ngayong taon.

Inabisuhan din ng alkalde ang publiko na kapag may nakitang bagay o tao na kahina-hinala, agad itong ipaalam sa mga awtoridad, sa pamamagitan ng mga hotline numbers na ito: 0981-499-9991 (CDRRMO/ K9 Unit) at 0939-812-7169 (Kidapawan City Police Station).

Sa pamamagitan nito’y mapipigilan ang mga taong may masamang hangarin, at maiwasan din ang posibleng pagpapasabog, katulad ng nangyari sa Mindanao State University sa Marawi City kahapon, December 3.

thumb image

KIDAPAWAN CITY- (November 23, 2023)
Sasailalim sa Mandatory Inspection ang lahat ng mga pumapasadang pampasaherong tricycle sa lungsod bago sila papayagang makabyahe muli ng Traffic Management and Enforcement Unit (TMEU) at City Tricycle Franchising and Regulatory Board (CTFRB) sa susunod na taon.

Susuriin ng mga taga TMEU at CTFRB kung gumagana pa ang brake at signal lights ng mga tricycle units.

Kailangan ding may basurahan sa loob ng tricycle, malinaw na nababasa ang mga KD numbers, maayos na upuan at kisame, at higit sa lahat may prangkisa ang mga ito.

Simula ngayong December 1 hanggang 29, mula 8:00-11:00am at 2:00-4:30pm, isasagawa ang Mandatory Inspection.

Magbubukas ang opisina ng TMEU mula araw ng Lunes hanggang Sabado.

Samantala, inabisuhan naman ng opisina ang mga driver at operator na hindi pa nakakapagseminar na samantalahin ang natitirang schedule, na magtatapos sa susunod na linggo, para sa mas mabilis na renewal ng tricycle franchise para patuloy na makapag-operate sa susunod na taon.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (November 22, 2023)
Dito sa Purok 1B sa Barangay Manongol, nakatakdang itayo ang pang-anim na ground water source project ng Metro Kidapawan Water District o MKWD sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan at Barangay LGU.

Kanina, isinagawa ang groundbreaking ceremony bilang hudyat ng pagsisimula ng proyekto, na tutugon sa suliranin ng mga residente at karatig-barangay tungkol sa madalas na pagkawala ng suplay ng tubig.

Sa Pebrero ng taong 2024 inaasahang matatapos ang proyekto, na pakikinabangan ng halos dalawang libong (1919) households.

thumb image

Kidapawan City – (November 22, 2023)
Sa Barangay Sikitan dinala ng Lokal na Pamahalan ang Kabarangayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo (KDAPS) noong lunes, November 20, 2023

Higit isang libong(1147) mga residente ang tumanggap ng serbisyo sa programa.

Pinakamaraming naserbisyuhan ang City Agriculture Office (CAO), kung saan umabot sa 352 ang nakapagpakonsulta tungkol sa kanilang sinasaka, registration sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA), aplikasyon sa Cost Recovery Program, at tumanggap ng libreng binhi ng iba’t-ibang uri gulay.

Ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) naman ay nakapagtala ng 230 benepisyaro ng aplikasyon sa solo parent ID; napayohan tungkol sa pansarili, pampamilya at pag-aasawa; konsultasyon tungkol sa Violence against Women and their Children (VAWC); at libreng nakakain ng arrozcaldo at champorado.

Isandaang (100) mga bata rin ang tumanggap ng libreng school bags.

Katuwang ng City Government sa pagbibigay ng iba’t-ibang serbisyo sa barangay ang iba’t-ibang National Government Agencies katulad ng SSS, DAR, DOLE, NBI, PNP, BFP, Philhealth at Pagibig. Sumusuporta rin sa programa ang mga pribadong kompanya kagaya ng COTELCO.

Base sa 2020 datus ng Philippine Statistics Office o (PSA) ang Barangay Sikitan ay may kabuuang populasyon na 1, 671.

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio