Jobs Fair ng City LGU dinagsa ng mga aplikante

 DAAN DAANG MGA JOB SEEKERS ANG DUMAGSA SA LOCAL AND OVERSEAS JOBS FAIR NG CITY LGU NGAYONG ARAW October 24, 2017.

 Mga trabaho sa Kidapawan City at kalapit na mga lugar pati na yaong sa ibang bansa ang sinubok na pasukan ng mga naghahanap ng trabaho.

 Ito ay hatid serbisyo publiko ng Kidapawan City Government, Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration, at ng Department of Social Welfare and Development-Sustainable Livelihood Program.

 Kumpara noon, mas dumami ang mga local based employers na naghahanap ng empleyado, ito ay ayon na rin sa kay City Public Employment Services Officer Herminia Infanta.

 Patunay ito na kayang makapagbigay ng de kalidad na trabaho ang mga local employers, dagdag pa ng opisyal.

 Sa dalawampung employers na naghanap ng empleyado sa jobs fair, labindalawa sa mga ito ay pawang nasa Kidapawan City at kalapit lugar.

 Kaugnay nito ay pinagsisikapan ng Kidapawan City Government na matugunan hindi lamang ang usapin ng unemployment.

 Kasali rin ang pagseguro na dahan dahang nalulutas ang problema sa ‘jobs mismatch’ na malimit kinakaharap ng mga naghahanap ng trabaho.

“ Nakipagtulungan si City Mayor Joseph Evangelista na matugunan ang jobs mismatch sa TESDA sa pagbibigay ng karampatang skills training sa mga job seekers upang sa gayon ay magkaroon sila ng angkop na kakayahan sa pagta-trabaho”, wika pa ni City Administrator Lu Mayormita.  

 Karamihan sa mga job seekers ay mga anak ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ng National Government.