With Love Jan Foundation muling namigay ng bagong kagamitan sa City Hospital

 MAGIGING KOMPORTABLE NA SA MGA PASYENTE NG CITY HOSPITAL ANG PAGPAPAGAMOT SA PASILIDAD SIMULA SA SUSUNOD NA LINGGO.

Ito ay matapos I turn-over ng With Love Jan Foundation Incorporated ang anim na mga airconditioning units na gagamitin sa mga ward ng ospital.

 Ibinigay ni Dr. Bernie Miguel, MD Presidente ng With Love Jan ang mga nabanggit na mga kagamitan noong Oktubre 23 kay City Mayor Joseph Evangelista at sa pamunuan ng City Hospital.

 Ilalagay ang mga bagong aircon unit sa bawat silid ng ospital ng sa gayon ay makapagbigay ginhawa sa mga pasyenteng mako-confine dito.

 Maliban pa sa mga bagong aircon units, dalawang 32 inches LED Flat Screen Television sets, limampung unan, gang chairs at benches ang dagdag na ibinigay ng With Love Jan sa City Hospital.

 Sa Oktubre 26 ay dagdag na mga gamot at supplements para sa mga nagdadalantaong ina ang ibibigay din ng grupo ni Dr. Miguel.

 Malaking tulong ang mga nabanggit upang ligtas ang ina at sanggol laban sa ano mang komplikasyon sa panahon ng pagbubuntis o kaya kapag manganak.

 Ang tulong na ito ay ilan lamang sa mga ipinamigay ng With Love Jan Foundation sa City Government ngayong buwan ng Oktubre.

 Daan-daang nakakatanda ang una ng nakabenepisyo sa libreng Medical, Dental at Optical Outreach Program ng With Love Jan sa pagdiriwang ng Senior Citizens Month sa lungsod.

 Dagdag din dito ang mga maternity medical equipment na binigay din ng With Love Jan sa mga Birthing Centers ng pitong barangay sa lungsod noong Setyembre 2017.