Most Child Friendly Barangay pararangalan ng City Government

 LIMAMPUNG LIBONG PISONG CASH ANG PREMYO NG SINO MANG KIKILALANING MOST CHILD FRIENDLY BARANGAY SA LUNGSOD SA PEBRERO 2018.

 Mismong si City Mayor Joseph Evangelista ang mag-aabot ng premyong ito bilang pagkilala sa mga ‘l good local governance practices’ ng mga barangay sa Kidapawan City.

 Ibinunyag ito ng alkalde sa kanyang State of the Children’s Address sa pagdiriwang ng Children’s Month.

 Isa ang pagiging Child Friendly ng barangay sa mga good local governance practices na bibigyang parangal ng City Government.

 Bahagi ito ng Education, Health and Nutrition at Social Protection Pillars na isinusulong ni Mayor Evangelista na naglalayung mapaunlad ang katayuan ng mga bata sa lungsod.

 Hindi lamang sukatan nito kung papaanong napo-protektahan ang mga bata laban sa ano mang uri ng pang-aabuso at bisyo.

 Kasali din ang pagtugon ng bawat barangay sa suliranin ng malnutrisyon, pagbaba ng school attendance, pagsusulong sa tamang kalusugan ng mga bata pati na rin ang kampanya sa ligtas na pagbubuntis ng mga ina.

 Katwiran ni Evangelista na dapat habang nasa sinapupunan palang ng kanyang ina ang bata ay dapat ibigay sa kanya ang tamang pangangalaga para sa malusog na paglaki.

 Kaugnay nito ay dadaan pa rin sa masusing evaluation ang bawat barangay upang karapat-dapat na tumanggap ng premyo bilang Most Child Friendly Community.

 Igagawad ang parangal sa gaganaping Barangay Night sa Pebrero 2018 na isa sa mga highlights ng ika dalawampung taong ‘charter day’ ng Kidapawan City.