DepEd Teachers binigyang pamasko ni Mayor Evangelista

 MAAGANG PAMASKONG HANDOG ANG TINANGGAP NG LAHAT NG DEPED TEACHERS NG LUNGSOD MULA KAY CITY MAYOR JOSEPH EVANGELISTA.

 Tumanggap ng tig dalawang libong pisong gift check ang bawat guro ngayong December 1, 2017 mula sa alkalde na itinaon naman sa pagdiriwang ng DepEd City Division Teachers Day.

 Regalo ito ni Mayor Evangelista sa mga guro bilang pasasalamat sa aktibong pagsusulong ng kanyang Education Pillar program sa mga pampublikong eskwelahan.

 Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagdiriwang ang DepEd City Division Teachers Day sa ilalim ng partnership ng ahensya at ng City Government.

 Nilagdaan din ni Mayor Evangelista ang isang Executive Order na nagdedeklara sa December 1 kada taon bilang Teachers Day para sa Kidapawan City DepEd Schools Division.

 Ito ay ipinagdiriwang bilang pagbibigay pugay sa mga guro sa kanilang kontribusyon na mai-angat ang antas ng karunungan ng mga mag-aaral at paghubog sa mabuting kaugalian ng mga kabataan sa eskwelahan, tahanan at komunidad.

 Ngayong araw ay nakatakda ding pararangalan ang mga natatanging guro pati na mga empleyado ng DepEd na nagpakita ng magandang performance sa kanilang trabaho. 

 

 Photo Caption – DepEd City Schools Division ipinagdiriwang: Nilagdaan nan i City Mayor Joseph Evangelista ang isang Executive Order na nagdedeklara sa December 1 kada taon bilang DepEd City Schools Division Teachers Day. Binigyan din ng P2000 gift checks si Mayor Evangelista sa bawat guro ng City DepEd bilang pamasko kasabay ng pgdiriwang ng Teachers Day.(CIO Photo)