RIC Women binigyan ng bagong coffee grinding machine ni Mayor Evangelista

KIDAPAWAN CITY - PERSONAL NA BINIGAY NI CITY MAYOR JOSEPH EVANGELISTA ANG ISANG BAGONG Coffee Grinding Machine sa pamunuan ng Rural Improvement Club Kidapawan Excelsa Robusta Arabica( RIC-KERA) para magamit sa kanilang coffee production.

August 7, 2018 ng iabot mismo ni Mayor Evangelista sa RIC-KERA ang bagong makinang nagpo-proseso at nagluluto ng premium coffee drink.

Tinuruan din ng alkalde ang mga miyembro ng RIC-KERA sa tamang paggamit ng naturang makina.

Dinagdagan ng sarap at kalidad ng bagong makina ang kanilang mga ibinebentang coffee drink ayon pa kay Ms. Sheila Leong Production Manager and Marketing Officer ng RIC-KERA.

Isa ang coffee production sa mga livelihood assistance na binigay ng City LGU sa mga kababaihan sa lungsod.

Nakipagtulungan ang City Government sa Department of Agriculture12 sa ilalim ng High Value Crop Development Program o DA 12 HVCDP at sa Kasilak Foundation upang mapakinabangan ng mga kababaihan ang business opportunities sa pagpo-proseso ng kape.

Pangunahing produktong agricultural ng lungsod ang kape na malimit itinatanim ng mga coffee farmers sa matataas at bulubunduking lugar sa Kidapawan City.

Angkop din ang magandang klima ng lungsod sa coffee production.

Maliban sa coffee production, mismong ang RIC-KERA na rin ang bumibili ng produkto ng mga coffee farmers bagay na nakakatulong din sa kabuhayan ng mga ito.

Mabibili sa halagang P30 kada tasa ang premium coffee drink ng RIC-KERA sa kanilang coffee shop malapit sa City Gymnasium.

Maliban sa mainit na inuming kape ay nagbebenta din sila ng mga roasted at packed coffee beans na pwedeng inumin sa tahanan at opisina ng kanilang mga costumers.(CIO/LKOasay)