P10M na ospital itatayo ng City LGU sa barangay Mua-an

 Sa kaugnay na balita, pinaplano na ng City LGU na magpatayo ng isang district hospital sa Barangay Mua-an ng lungsod.

 Ito ay ayon na rin mismo kay Mayor Evangelista na kanyang sinabi sa naganap na  MOA signing kasama ang EDC.

 Nagkakahalaga ng sampung milyong piso ang ospital na planong itayo sa lugar, wika pa ng alkalde.

 Makakatulong ang nabanggit na pasilidad upang agad makatugon sa pagpapagamot ang mga residente at indigenous peoples na naka ... Read More

Author Name: Lloyd Kenzo L. Oasay


Bahagi ng monthly honorarium ng duktor sa City Hospital, sinagot ng EDC

 Sagot na ng Energy Development Corporation ang bahagi ng buwanang honorarium ng bagong duktor ng City Hospital.

 Ito ang siyang nilalaman ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ng City LGU at EDC kamakailan lang.

 P20,000 na bahagi ng buwanang sweldo ni Dr. Ann Marie Cubero, MD na siyang bagong resident physician ng City Hospital ang magmumula sa pondo ng EDC , ayon na rin sa MOA.

 Isang taon ang sakop ng MOA na pwedeng irenew ng EDC at City LGU.

... Read More

Author Name: Lloyd Kenzo L. Oasay


Apat na centenarians tumanggap ng tig P100 libong cash incentives

 Nagbigay ng kaligayan sa apat na mga ‘centenarians’ o yaong mga senior citizens na isandaang taon ang edad pataas,  ang cash incentive na bigay sa kanila ng City LGU at Regional Office ng Department of Social Welfare and Development 12.

 Ito ay matapos personal na ibigay ni City Mayor Joseph Evangelista at ng DSWD12 ang tig isandaang libong pisong pera kada isa sa kanila ngayong araw bilang pagkilala at pagpapahalaga sa “milestone’ ng kanilang buhay.

... Read More

Author Name: Lloyd Kenzo L. Oasay


Comments