FOGGING OPERATIONS SA MGA PUBLIC SCHOOLS ISINAGAWA

 Ipinag utos ni City Mayor Joseph Evangelista ang malawakang fogging operation sa mga pampublikong eskwelahan sa lungsod.

 Ang hakbang ay upang mailayo sa dengue fever ang mga batang papasok sa panibagong school year na magsisimula na nationwide sa June 5.

 Ang kautusan ay base na rin sa ginagawang aktibong kampanya ng alkalde laban sa dengue. “This is our pro-active approach against dengue being a public safety concern for the safety of our pupils and students in the public schools.”, paliwanag pa ni Mayor Evangelista.

 Nagsimula ang serye ng fogging operations ngayong araw sa mga public schools ng Poblacion.

 Bago pa man ang fogging ay nakipagtulungan muna ang alkalde sa mga punong guro upang isagawa ito sa kani-kanilang mga eskwelahan.

 Ginalugad ng team mula sa City Call 911 ang mga pinamumugaran ng lamok sa lugar gamit ang kanilang mga fogging machines.

 Itinaon ni Mayor Evangelista ang pagsasagawa ng fogging sa panahong hindi pa pumapasok ang mga estudyante sa klase.

 Ginagawa ang fogging operation sa dapit hapon o di kaya ay bago pa man sumikat ang araw.

 Ito ay kasabay din ng nagpapatuloy na Brigada Eskwela sa kasalukuyan.

 Patuloy naman ang panawagan ng alkalde sa lahat na ugaliing malinis ang paligid laban sa presensya ng mga lamok na nagdadala ng dengue virus.

 

Photo caption- FOGGING OPERATION SA MGA PUBLIC SCHOOLS ISINAGAWA: Binugahan ng City Call 911 team gamit ang kanilang fogging machines ang Kidapawan City National High School bilang pangontra sa paglaganap ng mga lamok na nagdadala ng dengue virus. Ang hakbang ay isang public safety concern na kailangang tugunan ng City Government para na rin sa kaligtasan ng mga estudyante sa paaralan na hindi magkasakit ng dengue fever.(photo courtesy of amping kanunay wordpress)